yung bang alas dose ng tanghali gumagala,tumatambay kahit na napakainit ng araw
yung bang tinitiklop ang tsinelas para makabato ng mangga
yung bang rumirenta ng pampasadang bisikleta para lang maka ikot sa buong lugar
yung bang nag titira ng pera tuwing linggo para makaluto ng eksperimentong pagkain
yung bang pare pareho ang deseny,kulay ng damit kung may lakad
yung bang bibili ng fishball na kahit mainit ay pag aagawan.
yung bang sabay sabay tatawa habang nakatingin sa isang tao
yung bang nag gigitara ng hindi naman tugma sa tinutugtog
yung bang may dala dalang malaking panyo.
yung bang kung anong meron ang isa ay gusto din ng lahat
yung bang pupuntahan susunduin sa bahay pag wala ang isa
yung bang di makokompleto pag kulang kayo.
sila yung tipong pdeng kang kakalin pde kang sabihan
sila yung tipong gagalawin gamit mo na akala mo sa kanila talaga
sila yung kakalat sa bahay nyo na akala moy bahay nila
sila yung tipong uutang sayo o hihiram na di na binabayaran
sila yung tipong tatawa kahit ikay umiiyak
at sila yung tipong nandyan sayo kahit na di ka binibigyan ng maayos na payo.
sila yung kaibigan kong totoo :))
i heart you friends.
0 comments:
Post a Comment