BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

I am who I am

A woman with smiling face.
A woman happy being alive.
A woman who love to live and a
woman who live to love.

Hi i am b-i :))

Friday, October 5, 2012

"untittled"


    ang kwento ko ay tungkol sa isang working student na kumakayod para sa pag aaral niya.
sa pag hahanap niya ng pera para makapasok sa susunod na pasukan, di sinasadyang makakahanap din siya ng taong mamahalin niya ng di sinasadya. ganito mag sisimula ang lahat.
 si carla ay isang working student, mabait na may pagka maldita, ngunit masunurin sa magulang,
nagtratrabaho si carla bilang isang promo girl sa isang kompaniya ng mga beauty products.
matangkad, maputi at higit sa lahat maganda. nagtratrabaho siya dahil hindi kayang tustusan ng mama niya ang tuition niya sa paaralan, pinag aaral pa kasi ng mama niya ang kanyang dalawang kapatid na panganay sa kanya, ayaw niyang mahinto sa pagaaral kaya nag hanap siya ng paraan para kumita.

   isang araw habang inaayos ni carla ang produkto na sabon, ilalatag na niya sana ito sa lamesa   nang biglang my pumalo sa pwetan niya,bigla niyang nabitawan ang mga sabon nahulog ito at nagsikalat, lumingon si carla ngunit wala namang taong naroon, pero may nakita siyang lalakeng ngumingisi ngisi habang tunitingin sa kanya, nainsulto si carla at bigla itong sinampal, gulat na gulat ang lalake habang marami ang nakitingin sa kanila. "BASTOS" biglang sigaw ni carla. biglang lumapit kay carla ang kanyang boss na babae at pinigilan ito sa kakadaldal hinila siya sa tabi at sinabing "DI MO BA NAKIKILA ANG LALAKENG YAN?" walang pakiaalam si carla kung sino man, pag binastos siya ay papatulan niya talaga pero sa bandang huli natahimik din ito dahil sa narinig na "ANAK ITO NG MAY ARI NG KOMPANYANG PINAGTRATRABAHUHAN NATIN" pag lingon ni carla nadatnan niya ang director nila na umaalalay sa lalakeng iyon na parang alalang ala ito kahit sampal lang ang naabot, ang direktor na iyon ay ang tatay ng lalakeng sinampal niya. hiyang hiya si carla sa nagawa niya, hahabulin pa sana niya ito para humingi ng paumanhin ay di rin natuloy dahil nakaalis na ang ito sa loob ng building. umuwi nalang siya sa bahay nag dasal na sana di siya paalisin o tangalin sa trabaho.

   kinagabihan tinawagan siya ng boss niyang babae at sinabing papupuntahan siya sa direktor office para kausapin. balisang balisa si carla di alam ang gagawin, gusto niyang umiyak. di siya nakatulog sa kakaisip sa sasabihin sa kanaya ng tatay ng lalakeng sinampal niya. habang nakahiga siya binalikan niya ang eksena kanina, iniisip niya ang mukha ng lalakeng sinampal niya. matangkad ito sa kanya ng kaunti, maputi rin at gwapo na mukhang mayaman at mukhang bastos sigaw niya. napag desisyunan niya na pag tangalin siya ay ok nalang tatangapin niya nalang ito dahil di naman niya inakalang anak ito ng boss nila.
kinabukasan maaga siyang bumangon at nag suot ng sebilyan na uniporme sa akalang matatangal na siya sa trabaho. nang nakarating siya sa office sa mismong office ng direktor pinaupo siya nito sa upuuan saharap ng mesa ng direktor na kung saan nanduon ang lalakeng sinamapal niya na nag ngangalang mark. nakaharap niya ito tumigin siya dito at sabay sabing "SORRY" na sinabayan ng lalake. nagtinginan sila ulit nahiya siya sa lalake at tumahimik, nag salita ang tatay ng lalake at sinabing "PAG PASENSYAHAN MO NA ANG GINAWA NG ANAK KO" gulat siya dahil ang tatay pa ang humihingi ng paumanhin sa kanya para sa kanyang anak, naisip niya tuloy siguro spoiled ito sa ama kaya ganun nalang kung maka asta. kinausap siya nito para lang humingi ng paumanhin at pinabalik na din siya sa trabaho agad. masayang masaya si carla pero sa isip niya antipatiko talaga ang lalake na yun di na naawa sa ama niya na may katandaan na.

   talagang pinag lalapit ng tadhana sina carla at mark dahil mag sasama sila sa isang tour na kung san mag eendorse sila ng produkto nila sa ibang lugar. nag paalam na si carla sa mama niya na mawawala siya ng isang buwan, pumayag naman ang mama nito dahila may tiwala naman ito sa kanya. pasakay na sana sa van si carla ng madatnan ang isang kotse na nakaparada sa katabi ng van ng kompaniya, biglang nag bukas ang bintana ng kotche na ang sakay pala ay si mark, papasok na sana ng van si carla ng pag bukas niya dito ay puno na ang sasakyan." DITO KANA SAKIN SASABAY DAHIL WALA NANG BAKANTE JAN" sabi ni mark kay carla. gusto niyang tumangi pero di na siya nag dalawang isip at sumakay nalang kasi baka ano pa ang isipin ng mga katrabaho niya. sumakay si carla sa kotche ni mark, habang umaandar na ang kotche papunta sa destinasyon nila hindi nag iimikan ang dalawa, nang nag ring ang phone ng lalake at sabay sabing "WAG NA KAYONG MAG ALALA, AYOS LANG AKO DITO PA" sa isip ni carla maswerte ang lalake ito dahil conern na concern ang papa ni mark sa kanaya, samantalang siya di niya naramdaman yun sa papa niya dahil 7 taon palang siya ng maaksidente ito.

   nakatulog na si carla dahil sa nakakaantok na biyahe, nagising nalang siya nang biglang huminto ang sasakyan, nag salita si mark sa kanya at sinabing "KAKAIN TAYO RITO NAGUGUTOM NA AKO MAHABA HABA PA BIYAHE NATIN" ayaw pa sana ni carla nang binuksan ang pintuan ng sasakyan at hinila siya nito palabas, "ANO BA! PITAWAN MO AKO" sabi ni carla kay mark. hinila parin siya nito dinala sa lood ng restaurant, "AKO NAMAN ANG MAGBABAYAD, KAYA WAG KANA MAG ALALA" galit na galit sa carla kay mark, gusto niya talaga itong sampalin sigawan pero naisip niya na baka ang papa na naman nito ang hihingi ng paumanhin, nakakaawa at nakakahiya, kaya nanahimik nalang siya.
umorder at kumakain na sila. pagkatapos kumain ay nagring nanaman ang phone ni mark, di niya ito sinasagot kahit na papa niya na ang tumatwag, ring ng ring lang ito haggang sa di na makayanan ni carla ang ingay ng cellphone ni mark " BAT MO BA DI SINASAGOT? PASALAMAT KA NGA MAY AMANG NAG AALALA SAYO" kinuha ni mark ang cellphone at sinagot kinausap ang papa at agad agad ding binaba." MASAYA KANA? KINAUSAP KO NA!" sabi ni mark sumagot naman si carla "ANTIPATIKO" tumawa lang sa kanya si mark, tumayo si carla at lumabas na ng restaurant. lumabas din si mark at dumiretso sa parkingan sumakay sa kotche at pinaandar ito. gulat na gulat si carla dahil iniwan siya nito. lowbat ang cellphone niya wala siyang magawa umupo sa upuan at gusto na talagang umiyak, biglang may sumigaw sa kanya " ANO BA? ANG TAGAL MO" nadatnan niya si mark, lumapit siya duon at sumakay sa sasakyan. " TUMAGAL BA AKO? NAG PA GAS LANG AKO DUN SA KABILANG KANTO" di umimik si carla umiyak nalang ito, " BAT KA UMIIYAK?" tanong ni mark " AKALA KO INIWAN MO NA AKO " inabutan siya ng panyo ni mark at sinabing " TAHAN NA, SASABIHIN KO DAPAT SAYO NA MAG PAPAGAS AKO AT BABALIKAN KITA AGAD KASO BIGLA KANG UMALIS PALABAS KAYA DI NA KITA INABALA PA" umiyak lang si carla hanggang sa nakatulog na siya.

   madaling araw na nang nakarating sina mark at carla sa hotel na tutuluyan nila, kasunod lang nila yung van ng mga kasama nila, dumiretcho na ng kwarto si carla at nag pahina na. alas 10 ng umaga na siya nakagising dali dali dumangon, naligo at uminom ng kape at pumunta sa meeting place nila. babyahe nanaman sila papunta sa mga mall para mag endorse ng mga produkto nila. pagod na pagod sila sa mga ginawa nila buong araw, pag balik nila sa hotel nag planong mag swimming ang mga kasamahan nila, nag paalam sila sa boss nila na si mark pumayag naman ito at sumama sa kanila sa kabila lang ng hotel ang resort. masaya ang lahat, nang makarating sa resort, gulat ang lahat sa suot ni carla na bikini, modelang modela ang dating niya, tinginan mga tao sa kanaya pero di niya binibigyan ng pansin ang mga yun, habang naliligo cla kasama ng mga kasama nila, biglang dumating si mark naka swimming trunks ito at lantad na lantad ang laki ng katawan. napatingin si carla pero bigla ring tinangal ang tingin dahil nakatitig din sa kanaya si mark. kinagabihan pagkatapos nilang kumain dumiretso si carla sa lugar na may magandang tanawin malapit lang ito sa hotel, kasama ni carla ang kaibigan niya pero pumasok din ito sa hotel agad dahil antok na ito.di na inaantok si carla kaya tumambay muna ito, "GANDA GANDA NG TANAWIN NUH? GANITO TALAGA ANG GUSTO KONG LUGAR KUNG SAN KO DADALHIN YUNG MAHAL KONG BABAE" gulat si carla at napalingon. umupo sa tabi niya si mark at nagkwento ito sa kanya ng mga nakakatawang kwento, sa oras na yung masaya si carla kay mark, nakakatawa pala itong kasama kahit na may pag ka pilyo minsan. nagkwento si mark tungkol sa buhay niya na graduate itong nurse di pa nagkaroon ng gf eversince pero may nakakdate. di makapaniwala si carla na waWALA! la pa itong gf, tinanong siya ni mark " KAW BA? MY BF KANA?" biglang sagot ni carla "SINCE BIRTH DIN, MAGKAKA BF DIN  AKO PAG NAKA GRADUATE NA AKO" tawa lang si mark sa kanya at sabing "AKO NALANG GAWIN MONG BF" sabay tawa, magsasalita pa sana si carla pero sumabat agad si mark na " AMBISYOSA KA RIN! BINIBIRO LANG KITA" inis nanaman ang naramdaman ni carla at dali dali itong pumasok sa hotel.

   Kahit san mag punta sina carla ay nandun rin parati si mark, kaya madalas na silang nag bibiruan madalas mag usap. isang gabi patulog na sana si carla nang bigla niyang naisip si mark, pag nawawala si mark ng saglit parang hinahanap hanap niya na ito, pero pag andiyan naman para siyang naiinis, di niya maintindihan kung ano ba talaga nararamdaman niya. sa kakaisip nakatulog nalang siya. kinaumagahan, araw ng linggo, nagsimba ang grupo nila, naupo na sila sa loob pero wala si mark, hinanap niya ito at ayun na datnan niya, dun sa kanaya tumabi si mark, parang ang saya saya ni carla, kasi madalas mama,kuya,ate niya ang nakakatabi niya nang our father na ang tema hinawakan ni mark kamay niya, di niya alam bat ganun nararamdaman niya, pagkatapos ng hawakang kamay bumulong sa kanya si mark "BAT ANG LAMIG NG KAMAY MO? KINIKILIG KABA SAKIN?" ngisi nanaman ang lalake, inis si carla pero parang nasanay narin kay mark. pag katapos mag simba na masyal ang grupo, picture,kain pasyal dahil wala silang trabaho sa araw na yun. parating magkasama sina mark at carla kahit napapansin na ito ng iba ay walang pakialam si carla kahit pa tinutukso sila kung minsan kasi parang aso at pusa sila kung mag away, kulang nalang tawagin sila mag syota. sa kakapasyal napagod rin sila at napaupo sa damuhan dry picnic ang tema nila, tawa,kain kwentuhan, tumayo si mark, may kukunin lang daw sandali sa sasakyan di pa nakalayo na tumba ito, nagulat ang lahat at tumakbo papunta sa kanya, lalong lalo na si carla, kinakabahan si carla nang makalapit siya kay mark, nang lahat na sila nandun, hinawakan ni carla si mark sa mukha, at ginigising ito, nang bigla nalang itong sumigaw na "PRACTICE LANG, GULAT KAYO NUH?" binitawan agad ni carla ulo ni mark at nauntog ito dali daling tumayo si carla at naglakad, hinabol ni mark si carla, "BAT KABA APEKTADO? sabi ni mark, umiiyak nanaman si carla, "MASAYA KA BA GINAWA MO? GANYAN DIN NANG YARI SA PAPA KO, PLS! WAG MO NANG ULITIN" niyakap ni mark si carla, "SORRY" sabi ni mark.

   pagkatapos nun ay mas naging malapit talaga ang dalawa sa isat isa parating nag kwekwentuhan at nag sasabihan ng mga kwento ng buhay nila, napag usapan din nila kung bat huminto si carla sa pag aaral at nagtrabaho. isang gabi pagkatapos nilang kumain gulat siya sa mga kasamahan niya na nag si-alisan, pati c mark di niya nadatnan na sumabay kumain sa kanila, wala lang sa kanya yung, niyaya si carla ng kaibigan niya na pumunta dun sa lugar na madalas niya pagtambayanan, pag dating duon gulat siya kasi may roses, light mas naging maganda, amazed na amazed di carla na sa isip niya na baka pakana iyon ni mark, tinanong niya ang kaibigan niya kung para saan yung mga yun sagot sa kanya "AY! WAG PALA DITO KASI MAY PROPOSAL PARA DITO NG KASAL, DUN NALANG TAYO SA ROOF TOP" napahiya si carla sa loob loob niya lang,"BAT KASI AKO NAG EEXPECT, AY TANGA!" sumama siya sa rooftop ng hotel, walang ilaw ang tahimik isang mesa lang ang nadun, umupo siya dun, tanaw na tanaw ang lawak ng lugar, biglang nag bukas ang ilaw isa isa, ibat ibang kulay, napansin niyang wala na duon kaibigan niya, tumayo siya sabay tugtog ng music, pag bukas ng lahat ng ilaw natanaw niya ang lugar na napakaganda, biglang na off uli ang mga ilaw habang ang music ay tuloy tuloy lang, nag bukas ang pinakamalaking ilaw at dun nadatnan niya si mark, palakad papunta sa kanya, kinakabahan si carla, nang makalapit na sa kanya, ngumiti ito sa kanya at sinabing " BAT ANDITO KA? YUNG GF KO ANG PAPUPUNTAHIN KO DITO" inis nanaman si carla, aalis na sana ito nang biglang hila sa kanya ni mark sa braso sabay sabing " SASAGUTIN MO BA AKO?" at dun nag si labasan mga kasama niya na may hawak na kung anong bagay na may naka sulat. "WILL YOU BE MY GF" tulala lang si carla at walang masabi, "ANO? SASAGUTIN MO BA?"tanong ni mark, niyakap nalang ni carla si mark ng mahigpit at sabing "GAGO KA TALAGA! BAT BA GANYAN KA!" sabay iyak at sabing "OO" nag sigawan mga kasama nila at yung nag party party sila.

   masaya si carla at mark, masaya ang lahat, 3 araw nalang at uuwi na cla, habang kumakain ng almusal si mark at carla, may sinabi si mark kay carla " HINDI TALAGA AKO ANG HUMAWAK SA PWETAN MO, YUNG PAMANGKIN KO TALAGA YUNG BATA KONG PAMAGKIN, NATAWA LANG AKO KASI NADUN LANG SIYA SA ILALIM NG MESA MO NAKATAGO" guilty ang naramdaman ni carla at hiya, sorry ng sorry kay mark, sa kakasorry niya hinalikan siya nito sa lips at ayun tumahimik siya.
2 araw nalng papunta na sila ng trabaho ng hinihintay ni carla si mark, di niya ito nakita kahit ng mga kasama nila, sumama nalang si carla sa mga ka grupo niya, kahit sa mall na pinuntahan nila di talaga niya nadatnan hanggang sa pag uwi nila at hangganga sa gabi, kahit text ng text siya dito di sumasagot, kahit tinatawagan niya, di niya alam ang mararamdam kung maiinis ba o ano. kinabukasan uuwi na sila sa kanilang lugar, diretcho si carla sa bahay nila sabay nigay ng pasalubong sa nanay niya sa ate at kuya niya. pagkatapos nun ay pumasok agag sa kwarto at dali daling tawagan si mark, off ang cp ni mark, wala  siyang alam tungkol lay mark, kaya di niya alam sino ang pag tatanugan. lungkot na lunkot siya inis na inis.
kinabukasan sa trabaho, may narinig siyang usapan na dinala raw sa hospital si mark, alalang alala siya, di niya alam ang gagawin, dali dali silang pumunta ng mga kasama niya sa hospital, at dun tumulo luha ni carla, matamlay na matamlay si mark, tulog na tulog lang, sinabi ng dorktor na sobrang pagod iyon, naalala ni carla nung natumba si mark, totoo pala yun pero dinaan lang sa biro ni mark, iyak ng iyak si carla habang hawak hawak kamay ni mark. kinausap siya ng papa nito at sinabing "2 TAON PALANG NAKARAAN NG OPERAHAN SIYA SA PUSO, HINDI PA SIYA MAGALING TALAGA. NAG PUMILIT LANG ITONG SUMAMA SA OUTING NYO. BATA PA SI MARK MAHINA NA, BATA PALANG SI MARK WALA NA ANG MAMA NIYA, PINILI NAMIN SIYANG MABUHAY NG MAMA NIYA, KAYA NAMATAY MAMA NIYA PERO KAHIT GANUN MAHINA PARIN ANG PUSO NIYA," lungkot na lungkot ang papa ni mark, umiiyak lang si carla at naiisip kung ano ang mga nasabi niya rati kay mark, anong nagawa niya, ngayon niya lang nalaman ang lahat. nag bantay lang si carla sa hospital.
nang magising si mark, nadatnan niya si carla na nakatitig lang sa kanya, nag salita si mark, humingi ng pasensya kay carla" NAIWAN KO ANG PHONE KO SA CAR KO, BIGLA NALANG AKO NAHIMATAY, NAGISING NALANG AKO ANDITO  NA AKO, SORRY BABE" iyak lang ng iyak si carla, awang awa sa nobyo,"SORRY DIN, NGAYON ALAM KO NA ANG LAHAT, PAHINGI KA LANG MAGIGING MAAYOS DIN ANG LAHAT"

   balisang balisa si carla, umuwi ito para magpalit lang ng damit, sinabi sa mama niya ang problema niya ay ginabayan naman siya nito at sinuportahan, di na nakaka punta ng trabaho si carla, 1 week na siyang leave at 1 week naring nasa hospital si mark, nang bumalik siya sa hospital, di na niya inabutan sa kwarto so mark, nasa operating room na ito, dali dali siyang tumakbo at hinanap si mark, iyak nanaman siya, hinhintay niya lang na lumabas ang doktor, nag darasal si carla na wag naman sana kunin ulit sa kanya ang minamahal niya tulad ng papa niya, dahil di pa siya handa ulit, nakaupo siya ng ilang oras kasama ng papa ni mark, at nag hihintay, nang lumabas ang doktor, sinabing ok na si mark, pahinga nalang ulit, lalong umiyak si carla at di alam ang gawin sa narinig bumulong nalang na "THANK YOU GOD" lumabas na ng operating room si mark at sa kwarto na ito namalagi maayos na ito ngunit pahinga nalang ang kulang. hanggang sa gumaling ng tuluyan si mark lumabas na ito ng hospital, dinalaw agad si carla sa bahay na nagka sakit dahil sa pag aalaga sa lalake, siya naman inalagaan ni mark, pero sinat lang naman at gumaling agad. at dun pinag patuloy na nila ang relasyon nila ng mabuti. tinulungan ni mark si carla na makapagtapos ng pag aaral.
ilang taon na ang nakalipas, at graduation day na ni carla, wala pa si mark sa mga oras na yun, alalang alala nanaman si carla na baka napaano nanaman si mark, pag katapos ng graduation dali2 nanaman siyang umuwi ng bahay at duon na surprise siya, andun lahat ng kaibigan niya na may hawak nanamang kung anong bagay at may nakasulat na "WILL YOU MARRY ME?" di na siya umiyak at tumakbo nalang para yakapin si mark sabay sabing "YES" pag katapos nun nag saya na ang lahat.

after 1 year nag pakasal na sila mark at carla.


the end :))

Wednesday, October 3, 2012

"si X"

si ex-boyfriend mo ba yung kinaiinisan mo pag katapos ng hiwalayan nyo?
si ex-boyfriend mo ba yung ayaw mo nang makita at sinusumpa mo?
si ex-boyfriend mo ba yung sinasabihan mo na pag palitan kaman niya sa iba
ee yung maganda naman dapat?

di mo ba naiisip na si ex-boyfriend mo ay minahal mo?
di mo ba natatanong sa sarili mo na si ex-boyfriend naging bahagi ng buhay mo?
di mo ba naaalala ang ginawa para sayo ni ex-boyfriend mo?

minsan kasi mas mabuting kaibigan mo ang ex-boyfriend mo
kasi minsan pag nag away kayo ni present anjan naman si ex-boyfriend na pwede mong maging kaibigan
wag maging bitter sa ex. minsan kailangan nating isipin na kahit papano ay minahal mo si ex mo.

minsan kasi sa mga ex tayo natu-tuto. 


--walley >.<

"in my heart"


"sometimes you have to realize that some people can stay
in your HEART but not in your LIFE"

yes, we are LOVERs before, but that was long time ago
we can never be LOVER again, you have your own life now and i have mine too
yes, i love you before and i didn't  regret anything because when i was with you before
my life is extra ordinary, all the words to say is what i felt before when i am with you.

we planned are lives together, we dream together
but then it didn't work and last like we want it to be
yes we fight for it to survive  but still it crash down and down
until we realize that destiny is isn't with us
until you left and i left and until nothing's left.

and now we see each other again  i know in our hearts 
we still have a little feeling and spark 
but how we can make thing's right? if we both have our own love one's now
its hard to think that i still want you in my life but it can be than anymore.

but i promise you'll always stay in my heart
even though your not in my life now.


livelaughlove♥

Tuesday, October 2, 2012

"pag-ibig"


Oo ngat korny kung tawagin itong pag ibig
pero masisisi mo ba ako kung ito'y aking iniibig?
Oo itong lalake na ito
siya yung tinitawag kong AKING MAHAL.

nakilala siya bilang kaaway, ngunit naging aking pag ibig
galit na galit sa kanya, ngunit iniibig parin
ayaw sa kanya, ngunit hinahanap hanap
lumalayo sa kanya, ngunit kusa ring bumabalik.

Oo at kame ay hindi pa gaanong katagal
ngunit dito naman ito basehan para di tawaging tunay na PAG-IBIG
Oo ngat di kame ganung ka lambing
ngunit di naman ito bashena para di tawaging NAG MAMAHALAN.


siya at siya, wala nang iba
mapalingun man sa iba siya parin ang mahalaga
siya at siya parin
ang tinatawag kong PINAKAMAMAHAL.


di man sa gawa, sa salita
mararamdaman mo ito kasi ito ang
PAG-IBIG ♥

beautyfool


My name is b-i, 
I'm so very Fly oh my, it's a little bit scary  
Boys wanna marry, looking at my deri Aye, 
you can stare, but if you touch it, then I'ma bury
Pretty as a picture sweeter than a swisher Mad 
'cause I'm cuter than the girl that is with ya I can talk about it 
'cause I know that I'm pretty If you know it too, 
then ladies sing it with me
All eyes on me when I walk in No question that this girl's a 10  
Don't hate me 'cause I'm beautiful Don't hate me 'cause I'm beautiful
My walk, my talk, the way I dress It's not my fault, 
so please don't trip Don't hate me 'cause I'm beautiful 
Don't hate me 'cause I'm beautiful


AHAHAHHA. jelousy? :P

because i am strong


yes! i am strong because i cry for them
yes! i am strong because i show them what i feel
yes! i am strong because i fight for the one i love
and yes i am strong because i have them

i can be strong for people who think that i can make it
i can be strong for people who say you have me
i can be strong for people who show's me what i mean to them
and i can be strong for people who love me for being me.

i live strong because i have those people 
who tells me that when everything turns wrong
you got me by your side.


i am strong because I HAVE LOVE ONE'S.
live life love :)

Sunday, September 30, 2012

"Yung bang kaibigan kong"



yung bang alas dose ng tanghali gumagala,tumatambay kahit na napakainit ng araw
yung bang tinitiklop ang tsinelas para makabato ng mangga
yung bang rumirenta ng pampasadang bisikleta para lang maka ikot sa buong lugar
yung bang nag titira ng pera tuwing linggo para makaluto ng eksperimentong pagkain
yung bang pare pareho ang deseny,kulay ng damit kung may lakad
yung bang bibili ng fishball na kahit mainit ay pag aagawan.


yung bang sabay sabay tatawa habang nakatingin sa isang tao
yung bang nag gigitara ng hindi naman tugma sa tinutugtog
yung bang may dala dalang malaking panyo.
yung bang kung anong meron ang isa ay gusto din ng lahat
yung bang pupuntahan susunduin sa bahay pag wala ang isa
yung bang di makokompleto pag kulang kayo.



sila yung tipong pdeng kang kakalin pde kang sabihan
sila yung tipong gagalawin gamit mo na akala mo sa kanila talaga
sila yung kakalat sa bahay nyo na akala moy bahay nila
sila yung tipong uutang sayo o hihiram na di na binabayaran
sila yung tipong tatawa kahit ikay umiiyak
at sila yung tipong nandyan sayo kahit na di ka binibigyan ng maayos na payo.


sila yung kaibigan kong totoo :))
i heart you friends.